Sino nga ba naman ang sa atin ang
hindi nakakakilala sa anime series na
Doraemon? Mula pagkabata, siya na ang pinapalabas sa telebisyon upang
maengganiyo ang mga manunuod. Ang Doraemon ang napili kong Cultural Product upang talakayin ito gamit ang approach ng Frankfurt School.
Ang buod ng kwento ng anime ay tungkol sa isang robot na pusang si Doraemon na nanggaling
sa hinaharap upang tulungan ang batang si Nobita Nobi gamit ang kanyang mga
makapangyarihang (high-tech) gadget o
imbesyon. Ngunit, sa tuwing si Nobita ang ay may problema, si Doraemon ang
pangunahing kaibigan na pinupuntahan niya upang malutas ang kanyang mga
problema. Gayun pa man, sa tuwing siya ay pinapahiraman ng gamit ni Doraemon,
siya ay laging palpak sa paggamit nito.
Gamit ang konsepto at teorya ng Frankfurt School, maari ko itong iugnay
sa bansang Japan. Masasabi natin na ang Doraemon ay bahagi ng kultura ng Japan
sapagkat ito ay isang anime. Ngunit,
ano nga ba ang relasyon at epekto nito sa power
relations ng lipunan? Unang-una, ang
Japan ay kilala sa kanilang makabagong teknolohiya na naghahayag ng kanilang maunlad
na pamumuhay na katambal na rin ng kanilang kultura. Sa ibang salita, ang
teknolohiya ang ay may mabuting idinudulot sa kanilang pamumuhay. Ngunit, kung
ang teknolohiya ay ginamit sa marahas na paggamit, maari itong magdulot ng paghahamok
sa lipunan. Tulad na lamang ng kasalukuyang digmaan sa pagitan ng South
Korea-Estados Unidos at North Korea. Ang North Korea ay nagdeklara ng digmaan
gamit ang kanilang mga makapangyarihan sandata (Nuclear Armaments) na kayang
umubos ng milyon-milyong tao sa isang iglap. Dito makikita ang hindi wastong
paggamit ng teknoloyiha na nagdudulot ng digmaan.
Tulad sa Doraemon, ang mga
hinihiram ng gadget ni Nobita kay
Doraemon sa paglutas ng kanyang mga problema sa laging palpak ang
kinalalabasan. Ito ay dahil sa kanyang maling paggamit na pansariling interes
niya lamang ang kanyang iniisip.
Sa kabuuan, sa paghahamibing ng anime series na Doraemon sa konteksto
Japan ay isang makabuluhang pagaanalisa ng dimension ng kultura, pulitika at
lipunan. Dito makikita kung paano nga ba nagdudulot ng mabuti o masamang epekto
ang teknolohiya sa pangaraw-araw na kabuhayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento