Kung ang paggamit ng kapangyarihan ay
isang kaparaanan upang makontrol ang isang tao, hindi natin maikukubli na ang
taong ito ay maaring tumutol o tumanggap. Bukod pa rito, may mga pagkakataon
din na, sa iyong palagay, ang taong iyong kinokontrol ay kinokontrol ka din na
naaayon sa inyong parehong intensyon o interest.
SAPOT ng KAPANGYARIHAN
Legend:
Mga taong kumokontrol sa akin
·
+ y-aksis: Aking kinikilala o tinatanggap
·
Kuwadrante II: Aking tinututulan o nilalabanan
·
Kuwadrante I: Aking parehong kinikilala at
tinututulan
Mga taong kaya kong kontrolin
·
- y-aksis: Kanilang kinikilala o tinatanggap
·
Kuwadrante III: Kanilang tinututulan o
nilalabanan
·
Kuwadrante IV: Kanilang kinikilala at tinututulan
+/- x-aksis: Mga taong kumokontrol sa akin at
kaya kong kontrolin
Ang simpleng litratong ito (Sapot ng
Kapangyarihan) ay nagpapahiwatig ng aking koneksyon kung paano dumadaloy ang
aking kapangyarihan sa bawat taong aking nakakasalamuha.
Hindi ko maitatago sa aking sarili o
kanino man na ako ay isang tao na nakapaloob sa kontrol ng iba. Ngunit, sa
kabilang dako, masasabi ko rin na may mga taong nakapaloob din sa aking
kapangyarihan. Ang pinagkaiba lamang ay ang paraan ng pagtanggap o pagtutol sa
kapangyarihan.
Hindi ibig sabihin na kapag ako ay
nasa ilalim ng kapangyarihan ng iba, ito ay aking buong tinatanggap. May mga pagkakataon
din na kailangan tumutol. Tulad na lamang sa pagpapatakbo ng sistema ng gobyerno.
Masasabi ko, bilang isang mamamayan, na ang pagrespeto sa batas o Konstitusyon
ay kinakailangan, ngunit, sa isang banda, ilan sa aking mga napuna, bilang
estudyante ng agham pampulitika, may mga
hindi karapat-dapat o kamalian na nangyayari lalong lalo na sa agawan ng pwesto
sa gobyerno o eleksyon. Mahirap man tanggapin, imbis na ang pagkuha ng upuan sa
pamamagitan ng eleksyon ay ginagamit upang makapagbigay ng serbisyo at maitaguyod
kabuhayan ng taong bayan, maraming mga hindi karapat-dapat at walang kakayahan
upang mamuno na pultiko ang umuupo, at ito ay naaayon na lamang sa kanilang
pansariling intesyon at benepisyo.
At ang mga taong nasa ilalim ng aking
kapangyarihan ay maari rin kumontrol sa akin. Ang aking mga kapatid at mga
barkada ay ang mga halimbawa nito. Sumakatuwid, kami ay may kapangyarihan kumontrol
sa isa’t isa sa pamamagitan ng pag impluwensya sa mga desisyon.
Sa aktibidad na ito, napagtanto ko na
ang kapangyarihan ay natitimbang sa iba’t ibang aspeto—edad, yaman, kadugo at
marami pang iba. Ngunit, sila o tayo man ang mas nakahihigit o mas mababa, kailangan pa rin
respeto at tamang pagiisip upang mapanatili ang balanse at maging pundasyon ng mabuting relasyon o kaugnayan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento