ILALIM….
Saan mo nga naman nakuha ang ideya ng
pagkakapantay-pantay? Sa iyong palagay, ito ba ay umiiral? Panigurado, sa Math Equation mo lang ito magagamit.
Sa mundo na puno ng misteryo, may mga iba’t ibang katanungan na bumabalot
sa bawat kaisipan ng tao tulad na lamang ng, “Kung umiiral ang kahulugan at
diwa ng pagkakapantay-pantay, bilang isang tao, paano ito mapapatunayan at
makakamit ng bawat tao kung ang lipunan ay nahihiwa at nahahati sa magkakaibang
sangay?”, at “Ano nga ba ang mga pamantayan nito?” Sa mga tanong na ito,
mapapaisip ka kung paano makakamit ang pagkakapantay-pantay. Kung kaya, huwag
ako ang tatanungin mo.
Nais ko lamang ibahagi ang aking mga kwento at personal na karanasan kung paano ko nakikita ang lipunan bilang isang lugar na kung saan dalawang pangkat lamang ang nagsasagupa tungo sa kasaganahan ng buhay—pagtaguyod ng kanya-kanyang interes. Ito ang mga makapangyarihan at walang kapangyarihan.
Nais ko lamang ibahagi ang aking mga kwento at personal na karanasan kung paano ko nakikita ang lipunan bilang isang lugar na kung saan dalawang pangkat lamang ang nagsasagupa tungo sa kasaganahan ng buhay—pagtaguyod ng kanya-kanyang interes. Ito ang mga makapangyarihan at walang kapangyarihan.
Ako ay minsan nang ginawang
kasangkapan ng taong aking pinagkakatiwalaan. Bilang isang binatang
mangingibig, ako ay minsan na ding nabigo at nasawi. Noong una, ang buong
tiwalang binigay ko sa taong ito ay ang nagislbing ugat pala kung bakit ako naging
kasangkapan na ginamit niya upang paglipasan ng oras at nagsilbing kasalo at
katambal sa panahong siya ay nangangailangan ng mapagpipitagan at masasandalan.
Aminin ko, ako man ay nabulag sa pag-ibig dahil sa paghahangad at pagtataguyod
ng aking interes ngunit masasabi ko na ito pala ang naging dahilan ng aking
pagkabigo. Sa ibang salita, ako ay sinamantala at pinakinabangan para sa
kanyang interes. At nang kanyang nakuha ang lahat sa akin, ako ay iniwan at
pinagpalit.
Sa pangyayaring ito, makikita mo ang
sitwasyon kung paano naging mapaniil ang isang tao maitaguyod lamang ang
pansariling interes, at dahil dito nagkakaroon ng tinatawag na inequality na kung saan hindi naging
patas ang bunga.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento