Sila at Ako ang mga Kalaban Ko
Paano natin
makakamit ang katarungan kung hindi ka lalaban na sa iyong pananaw tama ang
iyong ipinaglalaban? Upang imulat ang sarili sa katotohanan, dapat nating
tanggapin ang mga bagay-bagay na ang paligid ay binubuo ng mga pangyayari na
hindi kadalasan angkop sa ating pansariling intensiyon. Ang bawat sarili ay may
kakayanan upang lumaban at magtiis sa patimpalak ng buhay.
Sa kursong Kultura at Pulitika, natutunan ko ang
mga paraan kung paano lumaban at gamitin ang potensyal na kapangyarihan laban
sa mga taong mapaniil at mapagmataas—paggamit ng kapangyarihan sa mabuting
paraan. Ngunit, pumasok sa aking isipan ang isang katanungan na tungkol sa
paggamit ng kapangyarihan laban sa sarili. Paano ko ba maipahahayag at maipapakilala
ang kapangyarihan patungo sa aking sarili? Isang halimbawa nito ay ang paglikha
ng mga simple at kritikal desisyon sa mga pangyayari o problemang hinaharap. Ako
ay naniniwala na ang lahat ng tao ay rasyonal sa paggawa ng tama at karapat-dapat
na mga desisyon sa buhay. Ngunit, may mga tao talaga na hindi ginagamit ang
kakayahang ito kaya’t sila’y kadalasang nagkakamali. May mga pangyayari rin na
kahit ginamit mo ito ay magkakamali at magkakamali ka pa rin sa kadahilanang ang
mga bagay na sa tingin at napag-aralan mo ay akma ay hindi pala wasto o tama. Kung
kaya kailangan timbangin ang bawat sitwasyon na pinagdadaanan sapamamagitan ng
dalawang magkasalungat na instrument, ang puso at ang isip. Para sa akin, wala
ni isa man sa dalawa ang mas matimbang sa paglikha ng mga desisyon at kilos. Ang
paggamit ng puso at isip sa magkasabay na paraan at oras ay ang susi sa
pag-intindi ng problema upang masolusyonan ito ng walang bahid ng alinlangan. Magkamali
man ako, napatunayan ko naman sa aking sarili na ito ang dapat kong gawin, kung
kaya, sa mga susunod na kabanata ng aking buhay, ako ay matututo sa mga
pagkakamaling ito at malilinawan sa hamon ng buhay na hindi kailangan sumuko at
dapat ipagpatuloy ang buhay na ibinigay ng Diyos na Maykapal.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento