Maraming taon
man ang lumapas mula sa pananakop, masasabi ko naman na nananatili pa rin ang
pagka-Pilipino ng mga mamamayan ng Pilipinas. Ang kasaysayan ay isang mahalagang elemento na
nagbibigay bakas sa mga mahahalagang pangyayari na nagbuklod sa bawat Pilipino tungo
sa kalayaan. Ito ang nagsisilbing pinagmulan ng ating mga kultura at tradisyon na
bumubuo ng ating identidad bilang mga Pilipino.
Hindi man lingid
sa ating kaalaman, napakalaki ng epekto ng koloniyalismo hindi lang sa pagbubuo
ng sariling bansa bagkus, pati na rin sa pagkilala sa ating mga sarili bilang
mga Pilipino. Kung mapapasin natin, bakit nga ba mahilig ang mga Pilipino sa
pagtangkilik ng mga produktong banyaga
(colonial mentality)? Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga iba’t ibang
klaseng damit na mamahalin at kilala sa ibang bansa tulad ng Zara, Armani, Lacoste, Nike at marami
pang iba. Bilang isang Pilipino, masarap magsuot ng mga ganitong mamahaling gamit
sapagkat nakadaragdag nga naman ito ng kompiyansa sa sarili. Isa pa nito ay
hindi lahat ng Pilipino ay kayang bumili ng ganitong mga damit.
Isa pa sa mga
halimbawa nito ay ang pagtangkilik sa iba’t ibang klaseng laro tulad ng basketball. Marami sa atin ang
nakahiligang manuod ng NBA, ang
pinakasikat na liga ng basketbol sa buong mundo. Dito sa pilipinas, madami rin naming
mga liga ng basketbol tulad ng PBA, UAAP
Basketball, at iba pa, bakit pa natin ito tinatangkilik ng husto? Dahil ba
mas magagaling ang mga manlalaro ng NBA kaysa
sa PBA? Tapos na ang laban, mas
magagaling nga naman ang mga atleta sa ibang bansa sa larangan ng basketbol. Masarap
kasing manuod ng mga basketbol moves na
malulupit lalo na ang moves ng
pinakamagaling na basketbolista sa kasaysayan na si Michael Jordan.
Sa larangan
naman ng boxing, tunay na maipagmamalaki natin ang nag-iisa nating boksingerong
si Manny Pacquiao. Siya ang tinaguriang may hawak ng pinakamaraming titulo sa
boxing sa magkakaibang dibisyon. Tuwing siya ay lumalaban, hindi lang Pilipinas
ang humihinto sa paggalaw, pati na rin ang buong mundo. Ngunit, noong siya ay
matalo sa kanyang huling dalawang laban, bakit nga ba hindi na sya ganoon
pinupuri at kasikat? Ito ba ay dahil sa laos na sya? Pilipino naman sya hindi
ba? Dapat pa rin natin na siya ay ipagmalaki hangga’t siya ay magretiro sa
mundo ng boxing sapagkat, WALANG DUDA, si Manny Pacquiao ang dahilan kung bakit
lubos na nakilala ang Pilipinas sa bawat sulok ng mundo. Ngayong siya nasa
sitwasyon ng pagkalugmok, dapat natin ipakita ang lubos na suporta ng buong
mamamayang Pilipino sa kanya upang bumangon at upang maipakitang muli sa buong
mundo ang talento at kagalingan ng mga Pinoy.
Sa kabilang
dako, alam natin na mahilig ang mga Pilipino sa pagkain, ngunit, ano nga ba ang
tunay na putahe ng mga Pilipino? Adobo, lechon, bulalo? Eeh lahat naman ng mga
ito ay galing, o kaya naman hango, sa pagkain noong panahon ng mga mananakop. Kung
mapapansin din natin, walang fine dining
restaurant ang mga Pilipino mapa-loob o mapa-labas man ng bansa. Siguro,
ito ay sa kadahilanang ang mga Pilipino ay mahilig kumain hindi dahil sa
nakahain, kundi sa mga taong nakapaligid sa kanya habang sila’y sabay-sabay
kumakain. Sa maikling salita, mas mahalaga sa mga Pilipino ang sabay-sabay sa
pagkain kahit anumang pagkain ang ihain sa hapag. Ito ay isa sa mga halimbawa
ng mga tradisyon ng mga Pilipino.
Sa dinami-dami
ng mga kulturang Pilipino na napanatili sa haba ng panahon, dapat din nating
isipin ang mga bagay kung paano natin maipapakita ang ating pagka-Pilipino
sapamamagitan ng pagtangkilik ng sariling atin. Marihap man iwasan ang mga
nakagawian (western consciousness), dapat pa rin natin itaguyod sa mas mataas
na lebel ang ating lahi kahit sa mga simpleng bagay ng pakikilahok at
pagsuporta sa bansa. Sapamamagitan nito, makikita natin kung ano nga ba ang
nakapaloob sa identidad ng mga Pilipino.
Mga Sanggunian:
Contreras, A. (2012). QUALPOL: Lecture Notes
Google.com.ph/images
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento